Jan
13
2010
Ang Leaf Unicorn ng Market! Market!
Ang deer na ito ay hindi talaga deer, kundi isang Leaf Unicorn. Ang Leaf Unicorn ay tadtad ng dahon, tulad ng makikita ninyo sa litrato sa taas. Tadtad ng dahon at mahilig sa mga lugar na maraming tao, tulad ng Market! Market!
Hindi iisa ang sungay ng Leaf Unicorn kundi dalawa at hugis sungay ng deer, ngunit huwag magdalawang-isip! Unicorn ang Leaf Unicorn at hindi kung ano mang uri ng malakabayong mammal.
